Pick up service

Abholservice

Ako at ang asawa kong si Pepsi ay nag-aalok sa iyo na maaari ka naming sunduin nang personal gamit ang aming pribadong sasakyan (minivan) sa Manila International Airport (kabisera ng Pilipinas), o sa Clark International Airport malapit sa Angeles City. Ang Clark Airport ay humigit-kumulang dalawang oras na mas malapit sa aming tahanan sa Caba - La Union. Matutuwa rin kaming sunduin ka sa isang hotel na iyong pinili.

Ang aming komportableng Toyota Innova ay mayroong limang upuan para sa mga pasahero o sasakay. Para sa mga grupong mayroong 13 na katao o mahigit, nag-aalok kami sa iyo ng pagkakataon na masundo ng matagal na naming kaibigan at self-employed na driver, si Jhun Abandojar, kasama ang kanyang Tayota Grandia bus.

Ang aming tahanan sa bayan ng Caba - La Union ay 261 kilometro ang layo mula Manila International Airport at 164 na kilometro naman mula sa Clark International Airport, hilaga ng pangunahing isla ng Luzon sa South China Sea.

Ang pangunahing daan o kalsada ay napakahusay na binuo at natapos hanggang sa bayan ng Rosario, mga 37 na kilometro bago and Caba. Ang natitirang mga kilometro ay dadaan sa lumang pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Manila sa hilaga ng isla ng Luzon.

Laoang Internation Airport, isang kamakailang karagdagan sa mga international na operasyon ay 242 na kilometro pa sa hilaga ang layo sa amin. Mula sa Laoag magmaneho ka papuntang Caba - La Union sa pamamagitan ng lumang pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Manila sa hilaga ng isla ng Luzon.

Presyo mula sa iba’t ibang lungsod at airports o paliparan:

Manila International Airport 11000 Pesos
Clark International Airport - Angeles City 8500 Pesos
Laoag International Airport 10000 Pesos