Clinic

DIREKSYON PAPUNTA SA AMING TAHANAN / BAHAY

Gamit ang bus mula sa kabisera ng Maynila

Mula sa kabisera ng Maynila, ang mga kumpanya ng mga bus na ito ay magdadala mismo sa atin sa Caba La Union (La Union ang aming rehiyon/probinsya).

Ang mga kumpanya ng bus na PARTAS, DOMINION, VIRON, FARIÑAS, GENESIS, MARIA DE LEON ay umaalis mula sa kanilang terminal sa Cubao o Pasay. Maaari kang makarating sa naturang terminal sakay ng taxi mula sa Manila International Airport. Dapat mong tanungin ang direksyon ng bus sa mga terminal. Ang direction ng iyong bus ay dapat sa LAOAG, ABRA, o SAN FERNANDO - LA UNION. Ang mga rutang ito ay humihinto sa CABA "Plaza" sa mismong kalsada. Kailangan mong sabihin sa kundoktor ng bus "CABA PLAZA" upang alam nya kung saan ka tutungo at bababa.

Pagdating sa Caba, sumakay sa tricycle (motorsiklo na may sidecar) na magdadala sa iyo sa iyong napiling resort sa Caba. Pero maari ka rin makapunta sa amin sa pamamagitan ng tricycle mula sa plaza o kahit saan sa Caba. Ang mga tricycle ay ang mga taxi kumbaga dito sa mga probinsya ng Pilipinas.

 

Pag-book at bayad sa pagsakay sa mga bus

Ang mga kumpanya ng bus ay may mga oras ng pag-alis at ang posibleng pagbook mula sa abroad ay sa pamamagitan ng Facebook at Twitter, maaari din sa kanilang mga websites. Dapat kang maglaan ng humigit-kumulang tatlong oras sa pagitan ng iyong pagdating sa Maynila at ang biyahe sa bus.

Bayad sa biyaheng Manila hanggang Caba Plaza sakay ng bus ay nasa mga 500 - 800 Philippine pesos. Nakadepende sa kategorya ng bus na iyong napili.

 

Bayad sa Tricycle sa Caba

Bayad para sa tricycle mula sa "Caba Plaza" (Ang plaza ay ang centro ng nayon sa pangunahing kalye o kalsada) sa amin, o sa Villa Navarro Resort, 20 to 50 pesos. Mga 50 to 100 pesos naman papuntang Cabatreas Resort.

 

Nirerekomenda namin sa mga galing sa Clark Airport

Mula sa Clark Internation Airport malapit sa Angeles City, ikalulugod naming sunduin ka. Ang airport ay nasa labas ng Angeles City. Makakapunta at makakaalis ka lamang ng airport gamit o sakay ng taxi o pribadong sasakyan. Ang airport o paliparan na ito ay ang dating paliparan at base ng US Armed Forces na na-convert taon na ang nakalilipas na ngayon ay ikalawang internasyonal na paliparan ng Pilipinas upang i-decongest at muling itayo ang paliparan sa Maynila.

Ang pagsakay sa isang regular na bus ay mahirap dahil kailangan mo munang pumunta sa DAU, ang pinakamalaking terminal ng bus sa pangunahing isla ng Luzon. Kailangan mong mag-iba ng kumpanya ng bus mula sa mga kumpanyang nabanggit sa itaas, na magdadala sa iyo sa amin sa Caba - La Union.

 

Direksyon papunta sa aming bahay

Kung gusto mong magpunta sa amin, sabihin sa driver na gusto mong magtungo sa bahay ni Pepsi at Eusevio. Ang asawa kong si Pepsi ay kilala dito sa Caba. Ang aming bahay at ari-arian ay sa bandang kanan ng Villa Navarro Resort, magpatuloy sa daan patungo sa property na may mga itim na gate. Doon, sa kanan, ang makitid na daan patungo sa aluminum gate sa kaliwa, kung saan nakasulat ang numerong 777 sa dingding.

Maligayang pagdating sa amin